It’s a baby boy!

Abril 29, 2012 — isinilang si Ken Hiluano Cabbuag, ang pinakabagong miyembro ng pamilya. Sa bigat na 9.9 lbs, nagmistulang hinigop niya na lahat ng taba ng mga kasabayang bata.

Nakita mo ang lapad ng mukha at haba’t kapal ng buhok? Sa unang tingin ay aakalain mong isang taong gulang na siya. Nag-uunahan kaming pindutin ang lawlaw niyang mga pisngi kahit mahimbing pa ang tulog.Ayan. Medyo nagigising na.

Parang nababahing lang, e.

Gising naaaa! Tuwang-tuwa talaga ako kapag nakakarinig ng mga batang umiiyak. (kaya dapat nilalayo sa akin ang mga sanggol kasi sigurado papaiyakin ko sila bwahahaha)

Ang mga salarinGutom lang pala. Pero tandaan na bawal magdala ng formula milk at feeding bottle sa ospital.Ayan ang katibayan. Pero kung nagugutom na ang bata (at walang lumalabas na gatas sa nanay), hindi ka ba gagawa ng paraan para mapainom ang kawawang bata?Alam na ang kasunod kapag busog na kaya check-check muna.Wala pa kaya natulog uli.

Hindi talaga ako kuntento kapag tulog ang bata at kailangan lahat talaga nililitratuhan ko (kahit nagpapadede ang nanay ay ‘di ko pinalampas pero binura ko rin). Ang cute ng mga daliri niya sa kamay at paa.Hulaan ang tunay na ina ang peg dito. Pero halata naman kung sino ang mapagpanggap haha.

Umiyak na naman siya pero sa pagkakataong ito, hindi na gutom kundi ang ebidensya ng pagkabusog ang dahilan.

Dahil lumalalim na ang gabi (at nagugutom na rin kami), kailangan na naming umalis. Kaya sabi ko, huling piktyur na talaga. Pramis.

Nakatingin pa siya sa akin na parang ayaw akong paalisin. Oo, ako lang.

Huli na talaga ito. Hehe. Pumikit na rin siya pagkatapos naming pindutin sa huling pagkakataon ang mala-Mojacko niyang pisngi.

Sayang hindi kami pinayagang iuwi siya. Sayang wala akong bagong kalaro sa bahay maliban kay Kurt.

Namimiss ko na ang malambot niyang pisngi 😦

***

Trivia: Hilig ko talaga ang mga bata kaya naisipan ko rin na maging guro sa kindergarten kung hindi papalarin sa peryodismo.

Advertisements

About Kim Pauig

I enjoy taking photographs as much as I savor sleep.
This entry was posted in Personal. Bookmark the permalink.

4 Responses to It’s a baby boy!

  1. Neph says:

    KIM. hangkyooot. Gusto ko din ng umiiyak na baby/bata. Lalo silang nagiging cute. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s