Nang magpagupit ang aking pamangkin

Hello! Gusto kong ipakilala sa inyo ang aking (paboritong) pamangkin na may isang pulgada ang haba ng pilikmata na si Kurt Daniel. Sa ngayon ay nakatira siya sa amin dahil gusto namin ng bata sa bahay (kaya malas lang niya haha). Anak siya ng aking pinsan na si Kuya Kelvin Kurt.

Siya ang unang bumabati sa aking umaga ng “Good morning, tita!” sabay yakap at halik sa pisngi. At ganun rin naman pag-uwi ko.

Noong isang araw ay nagmistulang gupitan ang aming garahe. Ang kanyang lolo Boy ang barbero.

Isang trivia: si Tito Boy ay maituturing na Jack of all trades, master of (almost) everything. Halos lahat ng instrumentong mahawakan niya ay kaya niyang tugtugin (kahit walang nagturo sa kaniya). Bihasa rin siya sa paglalagay ng tattoo na kaniya namang sideline. Magaling rin siyang magkumpuni ng mga bagay-bagay. Kumbaga sa isang OFW, isa siya sa tinatawag na skilled worker. Kaya di na rin katakataka na marunong siyang gumupit.

Nakakatawa ang mga ekspresyon sa mukha ni Kurt. Nakikiliti kasi siya. Aminin niyo, nakikiliti rin kayo kapag nagpapagupit.

Kaya ayan, may isang taga-hawak para di magmukhang hagdang palayan ang ulo niya. Hehe.

At napapakamot na siya ng ulo. Naiinip na rin siguro. Hindi matapos-tapos kasi sa sobrang kakulitan niya.

Hindi niya maalis ang tingin sa repleksyon niya sa salamin. Sobrang naga-gwapuhan ata sa sarili.

Ayan, naiinis na siya sa akin. Masyado na raw kasi akong paparazzi. Hehe. Artista lang ang peg niya rito.

Parang hindi ata kumpleto ang gupitan kung walang litrato ng mga buhok sa sahig kaya ayan…

Sa wakas ay natapos din. Mas lalong gumwapo ba?

“Tita, heart, o!” Tuwang-tuwa naman ang mokong sa piktyur niya. Hanapin niyo ang puso haha!

Mabuhay ang pamangking bagong gupit at ang titang bagong rebond! Hahaha!

Advertisements

About Kim Pauig

I enjoy taking photographs as much as I savor sleep.
This entry was posted in Personal, Photo Essay. Bookmark the permalink.

5 Responses to Nang magpagupit ang aking pamangkin

  1. Presh says:

    Though my language skills are severely limited to English, a drizzle of Spanish and a spot of French, something about these photos crafted and conveyed a wonderful story. Lovely work. Thanks for sharing.

    • kimpauig says:

      Hi! Thank you for your kind words. This post is written in Filipino, the official language in the Philippines.

      This is about my favorite nephew who had a haircut the other day.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s