Abril 17

Paalala: Itong blog post na ito ay walang kwenta. Isa lamang itong naratibo ng nangyari sa araw ko.

Sa tuwing sumasakay ako ng dyip pa-MRT, ako na ang best observer. Sa may bandang harap ay may mga nakasabit na karatula.

“Hey boy, kung hindi ka marunong sumigaw ng “para”, sumigaw ng “Captain Barbell!”

“Hey girl, kung hindi ka marunong sumigaw ng “para”, sumigaw ng “Darna!”

“Miss, sa’yo ang puso ko pero akin ang pamasahe mo.”

“Miss, kahit anong seksi mo, akin pa rin ang bayad mo.”

Hindi ko na matandaan yung iba pero natatawa talaga ako.

May isang babae na nagbayad ng P21. E P11.50 na ang pamasahe, dalawa sila kaya dapat P23 ang ibinayad niya. Kaya, malamang ay nanghingi pa si kuya drayber ng P2. Agit itong si ate. Binulyawan si kuya na, “Ang mahal naman! P11 lang singil sa akin kanina nung papunta ako dito, e.” Ang sarap sabihan ng “marunong ka ba mag-math?” Kung dalawa kayo at tig-P11 lang siningil sa inyo, kulang ka pa ng piso, girl.

***

At siyempre, hindi mawawala ang piktyur-piktyur. Kumbaga, pampalipas oras ito para sa klase sa J 198 (Internship). Naisipan namin ni Gian na kuhanan ng litrato ang mga sunflower kaso nagbago isip namin at pinagdiskitahan ang mga ibon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong klase ito.

Ang tagal naming hinintay na lumipad ang ibon kaso puro porma ng papalipad lang ang ipinapakita.

Mag-a-alas tres na nang mapansin ko ang mga batang umaakyat ng puno. Naalala ko lang na umaakyat din kami ng puno (pero puno ng sampalok) noong bata pa ako sa tuwing umuuwi kami sa probinsya.

Mangga pala ang kinukuha nila.

Alas tres na kaya pumunta na kami sa Maskom.

***

Maaga natapos ang klase. Yay! Haha!

Dumiretso kami sa Trinoma para bumili ng barong ni Gian para sa graduation niya. Ang gwapo hehe.

 ***

Sunod naman ay dumiretso ako sa Pioneer Center para mag-grocery kasama ang buong pamilya ko.

Naganadahan ako sa kulay ng langit kaya, pinicturan ko.

Kung may isang bagay na talagang mapapagkasunduan naming magkakapatid, iyon ang pagmamahal namin sa milk tea. Ito rin ang rason kung bakit kami sa PC nag-grocery dahil katabi lang ang Chatime. Inorder namin ni Kelly (kapatid kong lalaki) ay ang mga bago nilang ino-offer –Strawberry Chocolate Milk Tea at Strawberry Milk Tea. Pearl Milk Tea naman kay Angel (bunso kong kapatid na babae) at Taro Milk Tea naman kay Kyla (isa ko pang kapatid na babae). Masyadong matamis ang Strawberry Chocolate Milk Tea kahit 0% sugar na iyon.

Tatapusin ko ang post na ito sa litrato ng napaka vain kong kapatid na si Kelly. Isa lang ito sa napakaraming litrato niya.

Advertisements

About Kim Pauig

I enjoy taking photographs as much as I savor sleep.
This entry was posted in Personal. Bookmark the permalink.

4 Responses to Abril 17

  1. jeremyism says:

    Ang gwapo naman nung naka-barong :))

  2. beatamax says:

    Pioneer Center!! 8D Some good memories in that place :p

    Ang gaganda ng pictuuuuures, as usual :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s